Mga Hayop sa Lipunan
Ayan na ang unggoy, ngiting yeye sa’yong harapanHahatakin ka ng pagkalakas-lakas
Iisahin ang buhok mong lumiligid kuto’t lisa
Kapag wala ng mukha, tsaka ka hahamakin.
Sa bawat kilos at tunog ng inyong mga paa
May pusang sa gilid ay nagmamatyag
Hayok na hayok sa isdang nakalatag
Nilimas ng magnanakaw ng walang kahirap-hirap.
Tila asong nauulol na sa pagmumura ay malupit
Tenga’y nabulahaw, ngayo’y nagpipintig
Nakapagtatakang pag-uwi’y nag-anyong pilit
Gayong ale’y kakatapos lang ipagdasal ang daigdig.
Mga hunyango nga naman doon sa bayan naming
Kay hirap makita, lalo ng mapansin
Magaling magpanggap, lalong henyo sa pakikipapel
Isa lang ang nais, at ‘yon ay sa iba lumebel.
Ibong kinulong, ‘di makaalpas
Hindi makasalita, ni makahayag
Ng nararamdaman ukol sa kaguluhan
Mistulang isang laruan sa kanilang kulungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento